Thursday, December 2, 2010

Pinsans

.......... Bilang pagsusuri sa aking mga utos, heto ang aking mga kumpare sa pag-iisip!

1. Ang lahat ng tao ay pantay-pantay, babae man o lalaki, professor man o estudyante, homosexual man o hindi.
  • Santos - Dapat walang diskriminasyon sa kahit kaniino
  • Iba pang utos ni Edlyn - Hindi dapat maging workaholic ang isang tao; Hindi dapat gawing libangan ang pagsusugal
2. Respetuhin natin ang pagkatao ng bawat isa.
  • Mangila - Dapat i-uphold ang respeto at dignidad ng ating sarili at ng iba.
  • Iba pang utos ni Mangila - Dapat sumunod sa mga utos ng Diyos; Dapat panatiliing mababa ang mga bayarin (kasama na ang pamassahe) dahil mataas na ang bilihin (ayus toh! :D)
3. Disiplina sa sarili lamang ang kinakailangan sa lahat ng bagay.
  • (http://mn14.blogspot.com/) - Gawing pantay ang turing at tingin sa lahat ng bagay
  • Iba pang utos:  Panatilihin ang moralidad sa lipunan; Huwag abusuhin ang kapangyarihan
4. Ang lahat ng sobra ay nakasasama. Limitahan ang sarili sa lahat ng bagay.
5. Kailangan ng kabataan ang gabay ng magulang at nakatatanda.
  • Estacio - Ang kabataan ay nananatili pa ring pag-asa ng bayan, kung kaya dapat ay bigyan sila ng maayos na upuan sa silid-aralan, at dapat ay ilayo sila sa masasama at pangit na mga bagay sa lipunan.
  • Iba pang utos ni Estacio: Upang matigil ang isyu sa malls at parks, huwag na lang umalis ng bahay; Bawal ang kasamaan o anumang magdudulot nito (porno, pagpipirata, etc.)
6. Ang sex ay para lamang sa mga mag-asawa at hindi para sa mga magkasintahan.
revised: Ang sex ay isang banal na gawain; hindi dapat ito abusuhin ninuman. 
7. Alagaan natin ang ating kalusugan.
  • Mistal - Mag “Healthy-Living”.
  • Iba pang utos ni Mistal: Wag kontrolin ang media; Ipaunlad ang agham at teknolohiya.

Sunday, November 28, 2010

Quote, Unquote

Bilang continuation sa mga nakaraang post......
Ayon kay Myrelle...... 


ANG WALONG UTOS NI APRIL
1. Ang lahat ng tao ay pantay-pantay, babae man o lalaki, professor man o estudyante, homosexual man o hindi.
2. Respetuhin natin ang pagkatao ng bawat isa.
3. Disiplina sa sarili lamang ang kinakailangan sa lahat ng bagay.
4. Ang lahat ng sobra ay nakasasama. Limitahan ang sarili sa lahat ng bagay.
5. Kailangan ng kabataan ang gabay ng magulang at nakatatanda.
6. Ang sex ay para lamang sa mga mag-asawa at hindi para sa mga magkasintahan.
revised: Ang sex ay isang banal na gawain; hindi dapat ito abusuhin ninuman.
7. Alagaan natin ang ating kalusugan.
8. Mag-aral nang mabuti.
(hindi ko po utos ito, kasi hindi po ako nag aaral ng mabuti :D)

para sa 1 & 2...
a. (quote at pangalan ng ninuno) 
"There is no respect for others without humility in one's self." - Henri Frederic Amiel
translation - "Hindi ka matututong rumespeto ng iba kung wala kang pag papakumbaba sa iyong sarili."
 
b. (bio)  
Birthdate: 28 September 1821 
Death date: 11 May 1881

Henri Frederic Amiel was a Swiss philosopher, poet and critic.

He was born in Geneva in 1821, he was descended from a Huguenot family driven to Switzerland by the revocation of the Edict of Nantes.

After losing his parents at an early age, Amiel travelled widely, became intimate with the intellectual leaders of Europe, and made a special study of German philosophy in Berlin. In 1849 he was appointed professor of aesthetics at the academy of Geneva, and in 1854 became professor of moral philosophy. These appointments, conferred by the democratic party, deprived him of the support of the aristocratic party, which comprised nearly all the culture of the city.

This isolation inspired the one book by which Amiel is still known, the Journal Intime ("Private Journal"), which, published after his death, obtained a European reputation. It was translated into English by Mary A. Ward at the instigation of Mark Pattison.

Although second-rate as regards productive power, Amiel's mind was of no inferior quality, and his Journal gained a sympathy that the author had failed to obtain in his life. In addition to the Journal, he produced several volumes of poetry and wrote studies on Erasmus, Madame de Stael and other writers. He died in Geneva.

c. (other ideas)
"Common sense is calculation applied to life." - Henri Frederic Amiel
translation - "Ang sentido kumon ay isang kalkulasyong inilalapat sa realidad." 

Mabuti pa'y ipaliwanag ko nalang. Kung tama man ang aking pag kakatranslate at pagkakaintindi, kumbaga'y ang common sense ay isa sa ating basic instincts. Bakit ito inihalintulad sa isang kalkulasyon? Kadalasan, ang mga formulas/calculation na nakakadaupang palad natin ay katulad ng trigonometric functions, distance formula, quadratic equations, at kung anu-ano pa. Pero kung ating iisipin, matutulungan nga ba tayo ng distance formula sa pagtawid sa kalye? Ang sagot, pwede. Pero malamang ay nasagasaan ka na bago mo pa makompyut ang lalakarin mo. 
Sa madaling sabi, kelangan mong gumamit ng pag-eestima. Kelangan mong isipin ng mabilisan ang mga pangyayari. Dyan papasok ang common sense. :)

"It is not what he had, or even what he does which expresses the worth of a man, but what he is." - Henri Frederic Amiel
translation -"Hindi sa kung anong meron, o kahit na kanyang mga ginagawa nasusukat ang tunay na kahalagahan ng isang tao, kundi sa kung SINO siya." 


Magbigay na lamang tayo ng halimbawa. Kunyari, ex-convict. Kahit anong pagbabago nya, masama padin ang tingin sa kanya. Hindi ba?
Isa pa. Kunyari, isang religious leader (yung kadalasang nagtatayo ng sariling relihiyon). Kahit anong katarantad*han ang gawin nya'y mabuti padin ang pagtingin sa kanya.
Isa pa. Si Hesus, ang ating Panginoon (ganda points ako kay Lord! :D). Bakit hindi sya pinaniniwalaan sa kanilang bayan? Kasi lumaki sya roong isang anak ng karpintero, nasa mababang antas. 
 
references: 
http://www.bellaonline.com/articles/art43555.asp
http://en.wikipedia.org/wiki/Henri-Fr%C3%A9d%C3%A9ric_Amiel
http://www.brainyquote.com/quotes/authors/h/henri_frederic_amiel.html


para sa 3 & 4...
a. (quote at pangalan ng ninuno) 
"With self-discipline most anything is possible." - Theodore Roosevelt
translation - "Kung mayroon kang disiplina sa sarili, (halos) lahat ay possible."

b. (bio) 
Birthdate: October 27, 1858
Death date: January 6, 1919

Theodore "Teddy" Roosevelt was the 26th President of the United States. He is noted for his energetic personality, range of interests and achievements, leadership of the Progressive Movement, and his "cowboy" image and robust masculinity. He was a leader of the Republican Party and founder of the short-lived Progressive ("Bull Moose") Party of 1912. Before becoming President (1901–1909) he held offices at the municipal, state, and federal level of government. Roosevelt's achievements as a naturalist, explorer, hunter, author, and soldier are as much a part of his fame as any office he held as a politician.

Born to a wealthy family, Roosevelt was an unhealthy child suffering from asthma who stayed at home studying natural history. In response to his physical weakness, he embraced a strenuous life. He was home schooled and became a passionate student of nature. He attended Harvard, where he boxed and developed an interest in naval affairs. In 1881, one year out of Harvard, he was elected to the state legislature as its youngest member. Roosevelt's first historical book, The Naval War of 1812, published in 1882, established his professional reputation as a serious historian. After a few years of living in the Badlands, Roosevelt returned to New York City, where he gained fame for fighting police corruption. While effectively running the Department of the Navy, Spanish American War broke out from which he resigned and led a small regiment in Cuba known as the Rough Riders, earning himself a nomination for the Medal of Honor (which was received posthumously on his behalf on January 16, 2001). After the war, he returned to New York and was elected governor in a close fought election. Within two years later he was elected Vice President of the United States.

In 1901, President William McKinley was assassinated, and Roosevelt became president at the age of 42, taking office at the youngest age of any U.S. President in history. Roosevelt attempted to move the Republican Party in the direction of Progressivism, including trust busting and increased regulation of businesses. Roosevelt coined the phrase "Square Deal" to describe his domestic agenda, emphasizing that the average citizen would get a fair share under his policies. As an outdoorsman and naturalist, he promoted the conservation movement. On the world stage, Roosevelt's policies were characterized by his slogan, "Speak softly and carry a big stick". Roosevelt was the force behind the completion of the Panama Canal; he sent out the Great White Fleet to display American power, and he negotiated an end to the Russo-Japanese War, for which he won the Nobel Peace Prize. Roosevelt was the first American to win the Nobel Prize in any field.

Roosevelt declined to run for re-election in 1908. After leaving office, he embarked on a safari to Africa and a tour of Europe. On his return to the US, a bitter rift developed between Roosevelt and his anointed successor as President, William Howard Taft. Roosevelt attempted in 1912 to wrest the Republican nomination from Taft, and when he failed, he launched the Bull Moose Party. In the election, Roosevelt became the only third party candidate to come in second place, beating Taft but losing to Woodrow Wilson. After the election, Roosevelt embarked on a major expedition to South America; the river on which he traveled now bears his name. He contracted malaria on the trip, which damaged his health, and he died a few years later, at the age of 60. Roosevelt has consistently been ranked by scholars as one of the greatest U.S. Presidents.

c. other ideas
"A vote is like a rifle; its usefulness depends upon the character of the user." - Theodore Roosevelt
translation: "Ang isang boto ay parang baril; ang kahalagahan nito ay nakadepende sa gumagamit."

Sa madaling sabi, ginagamit mo ang boto mo base sa pakay mo. Kung nais mo mang umunlad ang iyong bayan, malamang sa malamang ay sisiyasatin mo ang mga kandidato at masusing pipiliin ang nararapat sa posisyon.
Ang boto mo'y napupunta sa sa tingin mo'y nakakapbor sa'yo.

"Believe you can and you're halfway there." - Theodore Roosevelt
translation: "Maniwala kang kaya mo't makakamtan mo ang iyong naisin."

Malayo man ang translation, ganto ang pagkakaintindi ko sa kanya.
Yan kasi ang kalimitang wala sa atin. Sa una palang napanghihinaan na ng loob, sumusuko na. Kung iisipin natin sa umpisa na hindi natin ito kaya, hindi talaga ntin ito masisimulan, hindi natin ito magagawa. Pero pag inisip nating kaya natin, mahirap man o madali, siguradong makakaya natin ito! Yeah!
 
references:
http://www.brainyquote.com/quotes/keywords/self-discipline.html
http://en.wikipedia.org/wiki/Theodore_Roosevelt
http://www.brainyquote.com/quotes/quotes/t/theodorero118459.html


para sa 5...
a. (quote at pangalan ng ninuno) 
"Children require guidance and sympathy far more than instruction." - Anne Sullivan Macy
translation: "Mas kailangan ng isang bata ang paggabay at simpatya kesa sa simpleng panuto/instraksyon lamang."

b. (bio) 
Birth date: April 14, 1866
Death date: October 20, 1936

Anne Sullivan was the daughter of  Irish immigrant farmers Thomas Sullivan and Alice Cloesy; she had one brother, Jimmie, who was crippled from tuberculosis. Growing up, Anne was subject to poverty and physical abuse by her alcoholic father and at the age of five, trachoma struck Anne, leaving her almost blind. Two years later, her mother died and her father abandoned his children to an orphanage in Tewksbury where her brother died shortly thereafter. 

Despite being left in an orphanage with no formal educational facilities, Anne Sullivan  prospered. When the state board of charities chairman, Frank Sanborn visited the Tewksbury orphanage; Anne literally threw herself in front of him crying, "Mr. Sanborn, I want to go to school."  

After regaining her eyesight from a series of operations and graduating as class valedictorian in 1886 from the Perkins Institute for the Blind, she began teaching Helen Keller. When Miss Sullivan first arrived, Helen was seven years old and highly undisciplined. Miss Sullivan had to begin her teaching with lessons in obedience, followed by teachings of the manual and Braille alphabets. Sullivan attended classes with Keller and tutored her through the Perkins Institute, The Cambridge School for Young Ladies and Radcliffe College. All who came in contact with them were amazed at the ability of Miss Sullivan to reach Miss Keller and Miss Keller's heightened ability to grasp concepts unheard of by deaf and blind students before her. Alexander Graham Bell, Andrew Carnegie, Henry H. Rogers and John Spaulding were only a few of those who met them and supported them. 

Throughout Helen's formal education and after, Miss Sullivan was often viewed with suspicion and speculation: many believed that Anne was trying to control Keller or use Keller. They did not trust the commitment that Anne Sullivan had to her student. 

After Miss Keller's formal education, Anne Sullivan continued to assist Miss Keller by accompanying her on her travels and to various lecture tours. After Helen's graduation from Radcliffe, Anne married young Harvard instructor, John Albert Macy in 1905. The three lived together until 1912 when the Macy's separated. 

Sullivan and Keller were constantly in demand to give lectures and to raise money for the American Foundation for the Blind. However, they often were too charitable and as a result had to supplement their income. The pair attempted to produce a movie, Deliverance, but it was unsuccessful; they experienced better success on the vaudeville circuit.  

Eventually, Miss Sullivan's own eyesight failed her but toward the end of her life received recognition from Temple University, the Educational Institute of Scotland, and the Roosevelt Memorial foundation for her tireless teaching and commitment to Helen Keller. 

c. other ideas

“Keep on beginning and failing. Each time you fail, start all over again, and you will grow stronger until you have accomplished a purpose - not the one you began with perhaps, but the one you'll be glad to remember.- Anne Sullivan Macy
translation-my version: "Ayos lang na magsimula't bumagsak muli. Dahil sa bawat simula't pagtayo mo ay tumitibay ka hanggang sa makamtan mo na ito." 

Yes! Ang lalim! XD
Totoo naman ito sa kahit kanino. Kasi tayo'y natututo sa ating pagkakamali. Kaya nga experience is the best teacher hindi ba.

"The truth is not wonderful enough to suit the newspapers; so they enlarge upon it, and invent ridiculous embellishments." - Anne Sullivan Macy
translation-my version: "Ang katotohan ay hindi pa sapat para sa pahayagan; kung kaya nama'y dinaragdagan nila ito ng makukulay na palamuti."

Kahit pangit ang translation ko?
Self-explanatory! Kung baga'y para mas maging interesante ang mga balitang inilalagay sa pahayagan, o sabihin na nating impormasyon na galing kahit kaninu man, e.g. tsismis, dinaragdagan nila ito para mas maging interesante. Kaya naman nawawala na ang esensya ng katotohanan!

references:
http://www.brainyquote.com/quotes/keywords/guidance.html
http://www.lkwdpl.org/wihohio/sull-ann.htm
http://www.quotesdaddy.com/author/Anne+Sullivan


para sa 6...
a. (quote at pangalan ng ninuno) 
"Celibacy is not just a matter of not having sex. It is a way of admiring a person for their humanity, maybe even for their beauty." - Timothy Radcliffe 

b. (bio)
birth date: 1945
death date: -

Timothy Radcliffe is a Catholic priest and Dominican friar of the English Province, and former Master of the Order of Preachers from 1992-2001. He is the only member of the English Province of the Dominicans to have held the office since the Order's foundation in 1216.

He entered the Dominican order in 1965, was ordained priest in 1971, and taught Holy Scripture at Oxford University, in the Dominican center there known as Blackfriars Hall. He was elected provincial of England in 1987, then Master of the Dominican Order in 1992. From there he gained an international reputation thanks to his analyses of contemporary society, Christian life, religious life, and the situation of the Catholic Church. Several of his books became best-sellers. The subtlety of his thinking, together with the simplicity and depth of his language, and his strong sense of humor, made him a force to be reckoned with in the Catholic Church.

In 2001, after the expiration of his nine-year mandate as master of the Dominican order, Timothy Radcliffe took a sabbatical year. Starting in 2002 he became again a simple member of the Dominican community of Oxford, and he is now highly sought after speaker, teaching and preaching in many countries. In 2003, Radcliffe was made an honorary Doctor of Divinity in the University of Oxford, the University's highest honorary degree.

He was the 2007 winner of the The Michael Ramsey Prize for theological writing, for his book What Is the Point of Being A Christian?

Radcliffe is patron of the International Young Leaders Network and helped to launch the Las Casas Institute on ethics, governance and social justice. These are both projects of Blackfriars Hall, University of Oxford.

Radcliffe has backed priestly marriage, sometimes called clerogamy.

c. (other ideas)
"One of our deepest needs is to be at home." - Timothy Radcliffe
translation: "Isa sa mga pangangailangan natin ay ang presensya ng tahanan."

(Nahihiloo na koo. :<)
Tahanan. Dito kung san tahimik. Kung saan peaceful. Kung saan pwede kang magpahinga.
Dito kung saan ka nakakaramdam ng pagmamahal at proteksyon.



references:
http://www.brainyquote.com/quotes/keywords/celibacy.html
http://en.wikipedia.org/wiki/Timothy_Radcliffe

para sa 7...
a. (quote at pangalan ng ninuno) 
"It is health that is real wealth and not pieces of gold and silver." -Mohandas Gandhi
translation: "Ang kalusugan ay ang tunay na kayamanan, hindi ang ginto at pilak."

b. (bio)
Birth date: 2 October 1869
Death date : 30 January 1948

Mohandas Karamchand Gandhi  was the pre-eminent political and ideological leader of India during the Indian independence movement. He pioneered satyagraha. This is defined as resistance to tyranny through mass civil disobedience, a philosophy firmly founded upon ahimsa, or total nonviolence. This concept helped India to gain independence, and inspired movements for civil rights and freedom across the world. Gandhi is often referred to as Mahatma Gandhi.  In India he is also called Bapu.He is officially honoured in India as the Father of the Nation; his birthday, 2 October, is commemorated there as Gandhi Jayanti, a national holiday, and worldwide as the International Day of Non-Violence.

Gandhi first employed civil disobedience while an expatriate lawyer in South Africa, during the resident Indian community's struggle there for civil rights. During this time, he wrote articles for Indian newspapers about black people that some modern readers consider racist. After his return to India in 1915, he organised protests by peasants, farmers, and urban labourers concerning excessive land-tax and discrimination. After assuming leadership of the Indian National Congress in 1921, Gandhi led nationwide campaigns to ease poverty, expand women's rights, build religious and ethnic amity, end untouchability, and increase economic self-reliance. Above all, he aimed to achieve Swaraj or the independence of India from foreign domination. Gandhi famously led his followers in the Non-cooperation movement that protested the British-imposed salt tax with the 400 km (240 mi) Dandi Salt March in 1930. Later, in 1942, he launched the Quit India civil disobedience movement demanding immediate independence for India. Gandhi spent a number of years in jail in both South Africa and India.

As a practitioner of ahimsa, Gandhi swore to speak the truth and advocated that others do the same. He lived modestly in a self-sufficient residential community and wore the traditional Indian dhoti and shawl, woven from yarn that he had spun by hand himself. He ate simple vegetarian food, experimented for a time with a fruitarian diet, and undertook long fasts as a means of both self-purification and social protest.

On 30 January 1948, Gandhi was shot while he was walking to a platform from which he was to address a prayer meeting. The assassin, Nathuram Godse, was a Hindu nationalist with links to the extremist Hindu Mahasabha, who held Gandhi responsible for weakening India by insisting upon a payment to Pakistan.[49] Godse and his co-conspirator Narayan Apte were later tried and convicted; they were executed on 15 November 1949. Gandhi's memorial (or Samādhi) at Rāj Ghāt, New Delhi, bears the epigraph "Hē Ram, which may be translated as "Oh God". These are widely believed to be Gandhi's last words after he was shot, though the veracity of this statement has been disputed.

c. (other ideas)
"A 'No' uttered from the deepest conviction is better than a 'Yes' merely uttered to please, or worse, to avoid trouble." - Mohandas Gandhi
translation: "Ang 'Hindi' na sinabi ng tapat ay mabuti pa kaysa sa 'Oo' na ginamit lang upang makapagyabang, mapalala ang mga bagay-bagay o makaiwas sa disgrasya."

Nakakalokang translation. :( 
Kumbaga, dito natin maihahalintulad ang White lies. Mas mabuti na ang pagsasabi ng totoo kesa sa pagsisinungaling sa pag aakalang mas nakakabuti ito.
Remember, the end does not justify the means.

"An eye for an eye only ends up making the whole world blind." - Mohandas Gandhi
translation: "Ang mata sa mata'y magdudulot lamang ng pagkabulag ng lahat."

Medyo ok translation. Yeee.
Tandaan mo pa yung "an eye for an eye, a tooth for a tooth"? Kumbaga kung anung kinuha/ninakaw/<insert bad things> mo ay ganun din ang syang kapalit nito? Kunyari, pumatay ka, edi papatayin ka din. Sa madaling sabi, hindi lahat ng bagay dapat ganto ang kabayaraan. Kasi kung yaong paniniwala ang susundin natin, maaaring lahat tayo'y mabulag sa sarili nating kapahamakan.
references:
http://www.brainyquote.com/quotes/keywords/health.html 
http://en.wikipedia.org/wiki/Mohandas_Karamchand_Gandhi
http://www.brainyquote.com/quotes/authors/m/mohandas_gandhi.html
 
 

Saturday, November 20, 2010

Pagsusuri sa papel ni Myrelle Quiambao

 OPINYON

Kapaligiran
  • Ang de-kuryenteng dyip ay dapat suportahan dahil sa malaking kapakinabangan sa kapaligiran at sa tao.
  • Iwasan ang paggamit ng plastik at styrofoam.

Makabagong Teknolohiya
  • Ang Facebook ay masamang impluwensya
  • Ang pagtetext ay masamang impluwensya
  • Ang paglalaro ng DOTA ay masamang impluwensya
  • Iwasan ang pagpaparetoke.
  • Ang paggamit ng kompyuter at internet ay nakakasama sa atin. 
  • Ang electronic gadgets ay masasamang impluwensya. 
Kasarian at sekswalidad
  • Bigyan ng pantay na pagtingin ang mga Homosexuals.
  • Pahintulutan ang paggamit ng condoms at contraceptives.
  • Iwasan ang pre-marital sex.
Local issues
  • Hindi dapat itaguyod ang colonial mentality.
  • Suportahan ang kababayang si Charice Pempengco.
  • Tangkilikin ang local films.
  • Suportahan ang OPMs.
Leisure
  • Ang pagtangkilik sa cosplay ay hindi nangangahulugang pagtalikod sa sariling kultura.
  • Ang pagtangkilik sa KPOP ay hindi nangangahulugang pagtalikod sa sariling kultura.
Karapatan
  • Dapat bigyan ng pantaong karapatan ang mga hayop.
  • Dapat ipagbawal ang arranged marriage.
  • Ipagbawal ang mercy killing.
  • Ipagbawal ang abortion.
  • Tutulan ang tuition hike sa UP.
Kalusugan
  • Ipagbawal ang paggamit ng ilegal na droga.   

KONTRADIKSYON
May kontradiksyon sa opinyon ni Myre sa paggamit ng condom at contraceptives at sa pre-marital sex. Sinulat nya na sang-ayon sya sa paggamit ng contraceptives pero sinabi nya naman na tutol sya sa pre-marital sex. Hindi naman sa paglalahat, pero kadalasan ang availability ng contraceptives ang nag-uudyok sa karamihan, partikular na ang kabataan, na makipagsex. Alam naman natin na pagpinahintulutan ang paggamit ng mga ito, hindi lang ang mga mag-asawa ang makikinabang. Pati na nga rin ang mga magkasintahan (o kahit na hindi pa magkasintahan, sa mga gusto lang makipagtalik.)

Mayroon ding kontradiksyon sa opinyon nya tungkol sa Colonial mentality at sa Cosplays. Sinabi nyang dapat itigil ang colonial mentality ngunit sinabi din nyang ang pagsuporta sa cosplays at KPOP ay hindi nangangahulugang pagtalikod sa sariling kultura. Maaaring hindi man natin tinatalikuran ang kultura natin, ang pagtangkilik sa mga bayagang kinagawian ay nangangahulugang mas matimbang ang impluwensya nila kesa sa sariling atin. Ganoon din ang opinyon nya tungkol sa KPOP at OPM. Anu ba talaga teh? :)

Mayroon ding kontradiksyon sa opinyon nya tungkol sa homosexuals at pagpaparetoke. Sinabi nya na dapat bigyan ng pantay ng pagtingin ang mga homosexuals ngunit sinabi nya rin dapat iwasan ang pagpaparetoke. Hindi naman sa paglalahat (ulit), ngunit karamihan sa mga homosexuals ay nagnanais na maging ganap ang kanilang pagpapakababae/pagpapakalalake kung kaya naman nagpapabago sila ng kasarian (sex change). At isa pa, sinabi nya rin na dapat makuntento sa kung ano ang binigay ng Diyos (na hindi nagampanan ng mga homosexuals). 

 KEYWORDS

Masamang impluwensya
Kapaligiran
Kultura
Pamilya
Kalusugan
Krimen
Diyos
Pilipino
Karapatan
Addict
Pag-aaral

Ang walong utos ni MYRE!
  1. Ingatan ang kapaligiran.
  2. Ang lahat ay pantay-pantay.
  3. Suportahan ang sariling atin.
  4. Huwag masyado maadik sa paglalaro.
  5. Pahalagahan ang buhay.
  6. Makuntento sa kung ano ang ibinigay ng Diyos.
  7. Ang Teknolohiya ang isang masamang impluwensya.
  8. Mag-aral mabuti. :)
 
link to myre's work: http://dragneel9.livejournal.com/

Thursday, November 18, 2010

Ang dawampu't tatlong utos ni prof

Unang araw sa Pan Pil, may paunang ratsada agad! Ayus! :) 
Sana may dedication, kaso hindi ko pa alam pangalan ng gwapo kong prof e, hehe.
Halina't talakayin natin ang 23 napapanahong issues na kinakaharap ng bawat isa sa atin ngayon. <ahem>


1. Divorce
          Para sa akin, dapat ipagbawal ito. Buti na lang ay nasa Pilipinas tayo.
- Unang-una, binabalewala nito ang sakramento ng matrimonyo.
- Binibigyan nito ng nosyon ang bawat isa na ang pagpapakasal ay parang mainit na kaning pupwedeng iluwa kung gugustuhin. Hindi tulad ng annulment na kinakailangan ng masusing proseso at matibay na rason para sa paghihiwalay ang Divorce. Basta't ginusto mo, tapos.
- Sinisira nito ang imahe't pundasyon ng isang pamilya. 

2. Gender Discrimination
          Lahat tayo pantay-pantay. Walang nakaaangat.
- Naaalipusta ang karapatan ng karamihan sa kababaihan. 
- Bumababa ang tingin sa mga transgender at homosexual.
- Mas dumarami ang pribilehiyo para sa lalaki.

3. Stereotyping ng ibang bansa sa Pinas!
          Huwag nalang siguro pansinin ang mga paninira't pang-aalipusta ng dayuhang bansa sa atin. Imbis, gawin natin itong kritisismo para malagpasan at mapaunlad ang mga ito. 
- Habang pinapansin kasi, lalong lumalala.
- Para lang tayong nagiging guilty kung papatulan pa kasi natin e.
- Bagama't nababahiran ang imahe ng Pilipinas dahil sa mga ito, maaari pa rin naman nating patuyan na sila'y nagkakamali! Kahit na tayo'y Third World Country lamang e may mga potensyal parin tayong nagkukubli. At kung minsan nababale wala pa nga. (Sayang!)

4. Pre-marital sex
         DAPAT IPAGBAWAL at supilin sa sistema ng lipunan.
- Binibigyang nosyon ang mga kabataan na ang sex ay para lamang maitawid ang pagnanasang karnal.
- Delikado sa kalusugan at maaaring mauwi sa teenege pregnancy.
-  Dadami ang populasyon! >:[

5. RH Bill
         (Katulad kanina) Wag sana itong mapatupad. Pleeeeease. Alam kong kagandahan naman ang intensyon ng ating mambabatas at ilang nagsusulong dito, pero sa nakikita ko, mas marami itong negatibong epekto.
- Merun namang natural family planning, katulad ng calendar method. Bakit hindi nalang iyon? Tsk4. (Patience is a virtue. Hehe)
- Alam kong hindi lang pamilya/mag-asawa ang makikinabang dito, pati narin ang mga magkasintahan.
- Ang pagtatalik ay magiging pampalipas oras at bagay na lamang sa mata ng karamihan. Mawawala ang essence nito!!!

6. Homosexuality
         Wala naman tayong magagawa dito hindi ba? Kung yun sila, bakit nating pipilitin magbago? Respetuhin natin ang kanilang pagkatao.
- Naaalipusta ang karamihan sa mga homosexuals. Kung sa tingin ng iba ay mapipigilan nila ang pagdami nito sa pamamagitan ng dahas, nagkakamali silaaaaaaaaa! Nyahahaha! Pero seryoso, hangga't wala silang natatapakang ibang tao, hayaan natin sila.
-As far as we are concerned, hindi naman tayo apektado ng kanilang sexualidad ah. Kung mapabago natin sila, sa tingin ko wala parin namang gaanong magbabago, umiikot padin ang mundo sa loob ng 24 oras. 
- Bakit sila lulupigin? Ang saya kaya nila kasama! Isang patunay na nakaaambag sila sa lipunan! At saka they have views on both worlds, baka mas naiintindihan pa nila ang mga bagy-bagay kesa sa mga straight girls and boys.

7. Terorismo sa bansa
         Hindi naman ganon kabigtime ang Pilipinas para puntiryahin ng mga terorista. Ngunit, kinakailangan padin namang mag-ingat, at sanay patuloy ang pagbibigay ng awtoridad ng seguridad sa pamayanan.
- Nakaaapekto sa turismo ng bansa.
- Nakaaapekto sa investments dito sa Pilipinas.
- Bumababa ang pagtingin ng ibang bansa sa Pinas at pati narin sa mga Pilipino.

8. Pagtataas ng presyo ng gamot
         Sana naman ay hindi na matuloy ito. Dagdag pasakit nanaman sa sambayanang Pilipino. 
- Marami na ngang naghihirap at nangangailan ng gamot, tapos eto pa. Ganun ba talaga pag mataas ang demand? Grabe. 
- Sana iba nalang ang patawan ng mas mataas na buwis katulad ng sigarilyo, alak, atbp tutal naman in-demand din sila. 
- Ito na ba ang solusyon sa lumalalang populasyon ng bansa? 

9. Pagtatalaga sa SK
         Hindi lubos naiintindihan ng mga kabataan ngayon ang totoong layunin ng pagtatalaga/pagpili ng mga kapwa nilang magsisilbi para sa Sangguniang Kabataan. Kung kaya naman, ang nagiging laban na lamang ay popularidad at impluwensya. Kung hindi man ito bubuwagin, sana nama'y nasala rin ng mga husto ang mga nominado para sa posisyon.

- Sa totoo lang, sa opinyon ko, at para na rin sa karamihan, hindi ramdam ang pagkakaroon ng SK sa kanilang baranggay. 
- Sayang ang budget na nilalaan para sa kanila kung napupunta lang sa wala. Masasabi kong swerte na ang mga bayang may matinong SK. Haha! Hindi talaga ramdam e.
- Dapat kasing magsilbi ding ehemplo para sa pagbabago ang mga ito e. E kalimitan kung sino pa yung drop-out, tambay, at syempre sikat, yun pa ang nahahalal. Walastik! :) (In various cases lang naman yan. Di ko po nilalahat.) 

10. Legalisasyon ng Jueteng
         Hmmm, bakit nga ba masama ang Jueteng? Kasi sugal? Sa kin, pabor ako dito. At least, legal na at hindi patago.
- Nkakatulong ito sa mga maliliit na pamilya. Yan ang realidad. Alam ko iyon dahil dati ito raw ang bumuhay sa pamilya ng lolo't lola ko (mother's side :P).
- Para saan ba naman ang tig-pipisong pantaya? At least hindi sila gumagawa ng masama para maiahon ang sarili sa hirap.
- Dagdag kita sa pamahalaan dahil sa tax!  

11. Hazing
         Hindi ako sang-ayon dito. Sana itigil na ang ganitong gawain. 
- Pagsubok ng pagkakapatiran? Grabe naman, 'tol! Sasaktan mo kapatid mo?! Sana ibang pagsubok nalang, yung walang masasaktan. Pwede namang subukin ang katapatan sa ibang paraan diba? 
- WALANG NAIDUDULOT NA MABUTI.

- Sobrang dami na ng namatay dahil dito. 

12. Facebook
         Dahil nga sa ito'y nagiging instrumento sa kung anu-anong karahasan katulad ng cyber bullying, pornograpiya, at iba pang panloloko, marami ang ayaw sa social website na ito. Pero para sa akin, pabor parin ako dito. 
- Wag sisihin ang facebook sa natural (o masamang) na kapasidad ng tao. 
- Nakatutulong pa ito sa pagkukone-konekta ng mga tao.
- Nasa disiplina lang sa sarili yan. Ang lahat ng sobra ay nakasasama. 

13. Sex Education
         Sang-ayon ako dito.
- Mas maganda ito ng nagiging aware ang kabataan sa realidad ng buhay.
- Kasama ng tamang paggabay ng magulang, ang itinuturo sa paaralan ay magsisilbing leksyon sa kanya panghabambuhay.
- Mas mabuti ng maaga palang ay nalalaman na ng bata ang consequences ng maaari ng gawin sa kasalukuyan. 

14. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis
         Sa aking palagay, ipinapataw na lamang  ng mga oil companies ang danyos na kanilang nalugi dahil sa tumagas ng langis mula sa pipeline. Dapat nang makialam ang gobyerno.  
- Hmm. Sobrang dami ng maaapektuhan kabilang na ang mga drivers at pasahero.
- Sabi nila hindi pa daw nauubos ang suplay natin ng langis, pero bakit patuloy ang pagtaas ng presyo? Trip lang ba nila ito?
-Tuluyang maghihirap ang sambayanang Pilipino! Sana umaksyon na ang gobyerno dahil may karapatan sila dito!

15. Government Transparency
         Sobrang OK ito. Saludo ako kay PNoy. Walang secret! Except love life. 
- Nalalaman natin ang katiwalian sa gobyerno. 
- Lalong nakukuha ng kasalukuyang gobyerno ang simpatya ng sambayanang Pilipino dahil sa transparency ng kanyang pamamahala.
- Bukas ang ganitong uri ng pamamalakad sa mga pagbabago at hinaing upang mas mapabuti pa ang sistema ng pamahalaan.

16. 12-year basic education program
         Hindi na ito kailangan.
- Kung sa tingin ba nila e madadagdagan ang interes ng mga bata sa pag-aaral sa pag dadagdag ng 2 pang taon? Nagkakamali sila. Ang dapat, kalidad na guro at mga pasilidad at higit sa lahat, gabay ng magulang
- Kadalasan, nasa estudyante ang problema. Kundi pinansyal, ayaw lang talga nitong mag-aral kaya walang natututunan. Mahirap pilitin ang ayaw! Abah!
- Mauuwi lang ito sa undergraduate students. At marahil low employment rate na rin. 

17. Visiting Forces Agreement
         Bakit maraming ayaw dito? Benefits din naman natin ito kahit papano. Sang-ayon ako dito.
- Unang-una, pinapaalis nila yung mga Amerikano dito? Hala! E kung mga Pilipino kaya ang paalisin sa Estados Unidos, edi mas malaking problema pa.
- Nakatutulong din kaya ito sa relasyon ng Pilipinas sa US. Isa pa, tinutulungan nila ang bansa natin.
- Sa uulitin, hangga't wala silang natatapakang Pilipino, hangga't di sila nakakasakit, bakit natin sila pwersahang paaalisin? 

18. Jh3j3mH0n
         Big deal? Sa 'ting mga may kapasidad ng mag-isip, hindi na masyado. Pero sa mga kabataan at mmmm.... medyo hindi masyado nagagabayan, delikado sila.
- Naaapektuhan kasi ng Jejenese ang paraan ng kanilang pagsusulat, at maaaring sa kalaunan ay maging normal na sa kanila ang ganito. 
- Mahirap na rin namang mapigilan ang ganito dahil sa teknolohiya natin ngayon. Ang tanging magagawa nalang siguro ng karamihan ang tamang pagturo ang paggabay sa mga batang ito.
- Pero sabi ng iba artistic way lang daw nila 'to kaya hayaan na lang siguro natin sila. Wag sana silang apihin ng mga Jejebusters. :(

19. DOTA (o kahit ano pang laro yan)
         Marahil ang pagkaadik sa kompyuter games ang isa sa mga lumalalang problema ng magulang sa kanilang mga anak. Tamang disiplina lang ay kelangan. 
- Whooops! No. 1 enemy ng mga nanay at girlfriends ito! Makibaka! XD 
- Nakakasama rin sa kalusugan ang labis ng paggamit ng computer.
- Minsan-minsan kasi kelangan din ng estudyante ng break. Yun nga lang sumosobra. Sa huli, gabay padin at matuwid na pagdidisiplina ang solusyon sa problemang ito. 

20. CRS
         At tuyot na ang brain cells ko, ito na lang, ang problema namin! XD As in define problema. Yun na yun. Ano kayang problema sa crs, ambagal ng serbisyo! 
- Bakit ganun, first year palang naranasan ko na ang lahat ng mga ito? :( XD akala ko ba priority? Ahuhuhu. Isa itong argument!!! hehe. 
- Tapos sa first day po, hindi maayos yung mga instructions (lalo na yung nag guide sakin). HUHU! Tumagal ako ng ilang araw!
- Pagpila palang an sakit na sa bangs! Sana mapaayos pa ng UP ang sistema ng pag-eenrol. :D 

21. Chain mails
         One word: IGNORE! 
- Wala namang mangyayari kung ipapasa mo yung message na yun e. Nagsasayang ka lang ng panahon. 
- Ay, grabe pa yung isang nabasa ko. Kasalukuyan daw nakikipag laban si Gouku kau Majinbu, itaas daw ang kamay para makacontribute sa enegry ball. Ano ako, bale?! Grabe, isang malinaw na ebidensya ng panloloko. XD
- At yung ibang mga mails na layunin lang e manloko, click spam or delete. Certified walang mapapala!

22. Ang hindi pagbibigay ng assignment tuwing Friday
         Tama ba 'to? Siguro dati nung HS pa ko, tama ito. Pero ngayon? Hindi siguro. XD joke! Hindi solusyon ang hindi pagbibigay ang gawain sa Biyernes at hindi dahilan ang family days para dito sa usaping ito. Pwede namang magbigay lang ng kakaunting takdang-aralin para kahit papano e may matitira pang oras para sa pamilya di ba? Marami pang ibang solusyon e, marami pa.
- Magiging mas lalong tamad lang ang mga bata. 
- At nakasisigurado ba tayong sa family time nga nalalaan ang mga bakanteng oras na yon. Baka tumatabay nga yung iba dyan sa kanto, o naglalaro ng kompyuter, o gumagala, o baka nga umiinom pa.
- Sinong nakaisip nito? Parang di pinag-isipan ng mabuti. 

23. Voltes V
         Last but not the least, ang issueng karirinig-rinig ko palang kanina, ang mga prof na nagpapaulan ng singko, o kilala sa tawag na Voltes V!!!! Grabe wala silang puso!!! Iwasan hanggat maaari. XD
- Sana man lang may considerations sila, 3.0 for di eport. :( 
- May ibang todo effort na pero 5.0 padin, at saka yung iba trip lang magbigay, it's unpir. Sana pantay-pantay, kasi kay God nga po pantay-pantay, dapat satin din. XD
- Tiyak akong mahirap silang iwasan kasi kadalasan concealed sila sa CRS e, swerte mo na kapag nakakuha ka ng prof na  gwapo at mapagbigay at masayahin at super bait sa isang subject mo, e.g. PanPil 19, na mataas magbigay ng grade lalung lalo na sa reaction papers! :D


Ayan! Mula sa seryosong usapan hanggang sa kung anek-anek! :)
Ito po lahat ng bumabagabag sa aking damdamin mula kaninang gabi! Ang 23 utos ng prof ko, bow.